Responsibilidad sa pagbili ng bakuna dapat nang ipasa sa publiko

Responsibilidad sa pagbili ng bakuna dapat nang ipasa sa publiko

Inirekomenda ni outgoing presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipasa na sa taumbayan ang responsibilidad sa pagbili ng bakuna.

Ayon kay Concepcion, habang ang bansa ay papalapit na sa transition sa pandemyang COVID-19 dapat ay ilipat na sa publiko ang responsibilidad sa pagbili ng bakuna.

Dapat ayon kay Concepcion na mapayagan na ang publiko na makabili ng bakuna.

Kailangan na rin aniyang payagan ang mga vaccine manufacturers na makapag-apply para sa certificate of product registration.
Paliwanag ni Concepcion ang pangangalaga sa kalusugan ay hindi lamang gampanin ng gobyerno kundi ng bawat isang mamamayan.

Maliban dito sinabi ni Concepcion na kung patuloy na bibili ng bakuna ang gobyerno at marami naman ang hindi magpapabakuna ay masasayang lamang ang mga COVID-19 vaccines.

Para sa mahihirap na mamamayan na walang kakayahang makabili ng bakuna, inirekomenda ni Concepcion na maglaan pa rin ng pondo ang gobyerno para sa pagbili ng bakuna sa mga mahihirap na pamilya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *