French Prime minister inirekomendang ibalik ang pagsusuot ng face mask dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19

French Prime minister inirekomendang ibalik ang pagsusuot ng face mask dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19

Inirekomenda ni French Prime Minister Elisabeth Borne ang muling pagsusuot ng face masks sa mga matataong lugar kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo.

Sa datos, umakyat sa 14,248 ang naitalang positibong kaso ng COVID-17 na 54 percent na mataas kumpara noong nakaraang linggo.

Nakipagpulong si Borne sa senior health officials at administrative heads sa France.

Sa ngayon hindi na mandatory ang pagsusuot ng face mask, pero hinihikayat ni Borne ang publiko na gumamit pa rin nito lalo na kung nasa crowded places.

Hinimok din ni Borne ang kanilang mamamayan na tiyaking up to date ang kanilang bakuna kontra COVID-19. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *