LPA sa Zambales isa nang ganap na bagyo, pinangalanang Caloy ng PAGASA

LPA sa Zambales isa nang ganap na bagyo, pinangalanang Caloy ng PAGASA

Nabuo bilang isang ganap na bagyo ang Low Pressure Area sa bahagi ng Zambales.

Ang tropical depression na pinangalanang Caloy ay huling namataan sa layong 395 kilometers West ng Iba. Zambales.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.

Mabagal ang kilos ng bagyo sa direksyong pa-Kanluran.

Wala namang nakataas na tropical cyclone wind signal dahil sa nasabing bagyo.

Ayon sa PAGASA sa susunod na 24 na oras, ang monsoon trough at ang Southwest Monsoon na pinalalakas ng bagyong Caloy ay magpapaulan sa western sections ng Luzon at Visayas.

Inaasahang sa susundo na 24-oras ay lalabas din agad ng bansa ang bagyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *