4.7 percent vaccine wastage kinumpirma ng DOH
Nakapagtala ng 4.7% na “vaccine wastage” o bilang ng mga nasayang na bakuna mula sa kabuuang bilang ng mga bakuna kontra COVID-19 na natanggap ng Pilipinas.
Kinumpirma ito ni outgoing Health Sec. Francisco Duque III.
Ayon kay Duque ang nasabing numero ay pasok pa rin naman 10% na “allowable wastage” o pinapayagan ng World Health Organization (WHO).
Sa datos ng National Task Force against COVID-19 umabot na sa 245,382,600 ang kabuuang bilang ng COVID-19 vaccine na nai-deliver sa Pilipinas.