Mga hindi bakunadong onsite workers kailangang magpasailalim sa COVID-19 test sa mga lugar na nasa Alert Level 2

Mga hindi bakunadong onsite workers kailangang magpasailalim sa COVID-19 test sa mga lugar na nasa Alert Level 2

Kailangan nang magpasailalim sa COVID-19 test ang mga hindi bakunadong onsite employees sa pribadong sektor at maging sa mga nagtatrabaho sa gobyerno sa mga lugar na nasa Alert Level 2.

Batay ito sa updated testing requirement ng Inter Agency Task Force (IATF).

Batay sa bagong patakaran, ang mga hindi bakunadong onsite workers sa mga lugar na nakasailalim sa Alert Level 2 ay kailangang sumailalim sa RT-PCR tests isang beses kada dalawang linggo o kaya ay sa lingguhang antigen tests.

Ayon kay Acting presidential spokesperson at Palace Communications Secretary Martin Andanar lahat ng establisyimento sa mga lugar na may sapat namang suplay ng COVID-19 vaccine ay dapat-irequire ang kanilang empleyado na magpabakuna kung sila ay on-site workers.

Depende sa availability ng pondo, ang mga nasa public sector kabilang ang LGUs ay maaring sagutin ang gastos para sa RT-PCR o antigen tests ng kanilang mga empleyado. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *