63 na bagong kaso ng Omicron subvariants naitala ng DOH

63 na bagong kaso ng Omicron subvariants naitala ng DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 63 bagong kaso ng Omicron subvariants.

Sa press briefing sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakapagtala ng 50 bagong kaso ng BA.5 subvariant.

Sa nasabing bilang, 38 ang mula sa Region VI; 5 ang mula sa NCR at 7 ang returning overseas Filipinos.

1 sa kanila ang fully vaccinated, 1 ang hindi bakunado habang inaalam pa ang vaccination status ng 48 iba pa.

Sa 50 nagpositibo sa BA.5, 1 ang mayroong mild symptoms habang inaalam pa ang naranasag kondisyon ng 49.

41 naman sa kanila ang naka-recover na, 4 ang naka-isolate pa habang inaalam pa ang kalagayan ng 5 pa.

Sa rekord ng DOH, sa kabuuan ay umabot na sa 93 ang bilang ng naitatalang kaso ng BA.5 sa bansa.

Mayroon namang naitalang 11 bagong kaso ng BA.2.12.1. Ayon kay Vergeire, sa nasabing bilang, 7 ang mula sa Region VI at 6 ang returning overseas Filipinos.

Inaalam pa ang vaccination status at sintomas ng 11 bagong kaso ng BA.2.12.1.

10 sa kanila ang gumaling na at ang 1 ay naka-isolate pa.

Sa kabuuan ayon sa DOH, mayroon nang 43 kaso ng BA.2.12.1 na naitala sa bansa.

Samantala, 2 bagong kaso naman ng BA.4 ang naitala ng DOH. 1 dito ay mula sa Region VI at isa ang returning overseas Filipino.

Kapwa sila gumaling na sa sakit.

Ayon sa DOH, dahil sa 2 bagong kaso ng BA.4, umabot na sa 3 ang kabuuang kaso ng nasabing variant na naitala sa bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *