Batas na nagbibigay ng dagdag na benepisyo sa solo parents, nilagdaan na ni Pangulong Duterte
Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magbibigay ng karagdagan benepisyo sa mga solo parents.
Sa ilalim ng Republic Act 118611 o Expanded Solo Welfare Act, bibigyan ng P1,000 na subsidiya ang mga solo parents na kumikita ng minimum wage o mas mababa pa.
Ang mga solo parents na sumusweldo ng mas mababa sa P250,000 kada taon ay mayroong 10 percent discount at exempted sa pagbabayad ng VAT sa ilang baby products.
Sa ilalim ng batas, may dagdag na 7 araw na leave ang mga solo parents kung sila ay nananatili na ng 6 na buwan mahigit sa kumpanya.
Hinihikayat din sa ilalim ng batas ang department of Labor and Employment (DOLE) at ang Civil Service Commission (CSC) na hikayatin ang pagkakaroon ng child minding centers sa mga workplaces.
Idinagdag din ang “Social Safety Assistance” sa bagong batas. Sa ilalim nito, ang mga solo parents at kanilang mga anak ay bibigyan ng pagkain, gamot, at cash assistance kapag naapektuhan sila ng kalamidad. (DDC)