Naitalang kaso ng dengue sa Western Visayas tumaas ng 298 percent
Nakapagtala ng 298 percent na pagtaas sa kaso ng dengue sa Western Visayas.
Sa datos ng Western Visayas Center for Health Development, nakapagtala ng dagdag na 483 na bagong kaso ng dengue sa rehiyon.
Dahil dito, umabot na sa 3,653 ang total cases ng dengue sa Western Visayas mula Jan. 1 hanggang June 181, 2022.
Mas mataas ito ng 298 percent kumpara sa 918 cases na naitala sa kaparehong petsa noong 2021.
Ayon sa DOH Western Visayas, 24 na ang kabuuang bilang ng naitalang nasawi sa dengue sa rehiyon dahil sa nasabing sakit.
Sa Antique nakapagtala ng pinakamataas na dagdag na bilang ng kaso ng dengue na umabot sa 187 kasunod ang Negros Occidental na may 140 cases. (DDC)