Presyo ng produktong petrolyo tataas ngayong linggo

Presyo ng produktong petrolyo tataas ngayong linggo

Muling tataas ang presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, may dagdag na P1.65 sa kada litro ng disel, 50 centavos sa kada litro ng gasolina at 10 centavos sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang dagdag presyo umaga ng Martes, June 27.

Una nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na ang pagtaas ngayong linggo ay bunsod ng paghina ng halaga ng piso kontra dolyar. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *