F2F classes sa ilang paaralan sa Intramuros suspendido ng ilang araw
Nagpalabas ng abiso ang ilang mga pamantasan sa Intramuros, Maynila na suspendido muna ang kanilang “face-to-face-classes” at “on-site o physical transactions” simula gayong araw, June 27 hanggang 29, 2022.
Pansamantala kasing isasara ang ilang mga kalsada bilang paghahanda para sa nallaapit na inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Huwebes, June 30.
Nag-anunsyo ng suspensyon sa F2F classes ang mga sumusunod na paaralan:
– Colegio de San Juan de Letran
– Lyceum of the Philippines
– Mapua University
– Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
Batay sa abiso, sa nasabing mga petsa, ang mga klase ay gagawin muna “online” upang hindi mahirapan ang mga estudyante at mga guro at school employees dahil sa road closures.
“Work-from-home set-up” naman ang iiral para sa mga guro at school personnel.
Bukas naman para sa “online transactions” ang kanilang virtual offices.
Una nang idineklara ng Manila City LGU ang June 30 na special non-working day sa lungsod. (DDC)