Karamihan sa mga survivors sa nasunog na MCBA Mama Mary Chloe nakauwi na sa kanilang tahanan

Karamihan sa mga survivors sa nasunog na MCBA Mama Mary Chloe nakauwi na sa kanilang tahanan

Nakauwi na sa kani-kanilang mga tahanan ang karamihan sa survivors ng nasunog na ferry kahapon (June 26) sa karagatan ng Bohol.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), mahigit 20 pa sa 163 pasahero na nakaligtas sa insidente ang nasa pangangalaga ng LGU ng Preisident Carlos P. Garcia, Bohol.

Habang ang karamihan ay nakauwi na kahapon.

Isa ang nasawi sa naturang sunog sa MBCA Mama Mary Chloe.

Nangyari ang insidente habang naglalayag ito galing sa Ubay, Bohol at patungo sana ng Bato, Leyte.

Mabilis ang naisagawang pag-rescue sa mga pasahero katulong ang mga motorbanca na naglalayag sa karagatan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *