Kaso ng monkeypox sa LA County umakyat na sa 22
Umakyat na sa 22 ang bilang ng kaso ng monkeypox sa Los Angeles County.
Ayon sa LA Department of Public Health, karamihan sa mga tinmaan ng sakit ay mga kalalakihan na may istory ng pakikipagtalik sa kapwa lalaki at dumalo sa mga mass gathering.
Wala naman sa mga naapektuhan ang kinailangang maospital at wala pa ring naitatalang nasawi.
Sa ngayon gumagawa na ng aksyon ang LA Department of Public Health para mabigyan ng bakuna kontra monkeypox ang mga mamamayan nilang maituturing na “higher risk”.
Kabilang dito ang mga nagkaroon ng close contact sa mga infected person at ang mga dumalo sa event na dinaluhan din ng mga nagpositibo. (DDC)