Positivity rate ng COVID-19 sa NCR at ilang lalawigan patuloy na tumataas
Tataas sa 400 hanggang 500 ang average daily cases ng Covid-19 sa Metro Manila ngayong linggo.
Ayon kag OCTA Research fellow Dr. Guido David sa ngayon ay nasa 320 na ang average daily cases ng Covid-19 sa NCR.
Ang NCR ay mayroong 5.9 percent na positivity rate.
Sa datos ng OCTA Research patuloy din ang pagtaas ng positivity rate sa ilang lugar sa Luzon.
Sa Rizal ay 11.9% na ang positivity rate, 5.6 percent sa Batangas, 6% sa Cavite, 7.5% sa Laguna, at 5.8 % sa Cagayan Province.
Ayon sa OCTA kabilang sa mga rehiyon na kanilang binabantayan dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19 ay ang NCR, Calabarzon, Cagayan Valley at Western Visayas.
Sa unang linggo hanggang sa ikalawang linggo ng Hulyo sinabi ni Guido na mararanasan ang weak surge ng Covid-19 sa bansa.
Aabot aniya ng hanggang 1,000 ang maitatalang average daily cases ng Covid-19 sa bansa. (DDC)