Visayas at malaking bahagi ng Luzon uulanin dahil sa LPA

Visayas at malaking bahagi ng Luzon uulanin dahil sa LPA

Makararanas ng pag-ulan ngayong araw sa Visayas at sa maraming lugar sa Luzon dahil sa Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 70 kilometers north northwest ng Virac, Catanduanes o sa layong 100 kilometers East ng Daet, Camarines Sur.

Sinabi ng PAGASA na ang LPA ay magdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat n apag-ulan sa Visayas, Bicol Region, CALABARZON, MIMAROPA, Isabela, at Aurora.

Bahagyang maulap na papawirin naman na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *