Antipolo Church kauna-unahang International Shrine sa Pilipinas
Idineklara ng Vatican ang National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo City bilang isang “international shrine”.
Ayon kay Bishop Francisco de Leon ng Antipolo inaprubahan ng Vatican ang petisyon para kilalanin bilang international shrine ang simbahan.
Sa ulat ng CBCP News, sinabing natanggap ang liham mula sa Roma noong June 18 na nagsasaad na kilalanin ang cathedral bilang international shrine.
Inanunsyo ito ng obispo sa misa na idinaos sa cathedral para sa ika-39 na anibersaryo ng diocese.
Ang Antipolo ang magiging ikatlong international shrine sa Asya kasunod ng St. Thomas Church Malayattoor sa India at Haemi Martyrdom Holy Ground sa South Korea.
Gayunman, ito ang magiging kauna-unahang however international shrine sa Asya at ikaanim sa mundo. Asia, and the sixth in the world.
Ang Catholic Church ay mayroong tatlong uri ng shrines – ang diocesan shrines na inaprubahan ng local bishop; ang national shrines na kinikilala ng CBCP at ang international shrines na iniendorso naman ng Vatican. (DDC)