Libu-libong miyembro ng LGBTQIA+ nag-martsa sa QC bilang pagdiriwang sa Pride Month

Libu-libong miyembro ng LGBTQIA+ nag-martsa sa QC bilang pagdiriwang sa Pride Month

Sama-samang nagmartsa ang libu-libong LGBTQIA+ (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, and Asexual) member at allies, mga opisyal ng pamahalaang lungsod ng Quezon City, at ambassadors ng iba-ibang bansa para isulong ang pantay-pantay na karapatan bilang bahagi ng Pride Month celebration sa QC.

Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, Miss TransGlobal 2020 at Pride PH lead convenor Mela Habijan ang Alab for Love: Pride PH Festival sa Quezon Memorial Circle.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Belmonte na sa QC, tanggap lahat ng miyembro ng LGBTQIA+ at patuloy na magiging kasangga ang lokal na pamahalaan para makamit ang inclusivity at diversity, sa tulong ng Gender-Fair Ordinance.

Nakapaghandog din ang QC ng libreng human immunodeficiency virus (HIV) test at COVID-19 vaccination para sa lahat ng attendees.

Bukod sa Pride March, nagkaroon ng Pride Expo kung saan itinampok ang mga produkto ng small businesses sa Maginhawa.
Mayroon ding Pride Night kung saan nag-perform ang mga LGBTQIA+ members and allies.

Present sa selebrasyon ang mga ambassador, LGBTQIA+ allies organizations, non-government organizations, at mga ahensya ng QC Government na nagpahayag ng pakikiisa sa hangaring pantay na karapatan ng lahat ng indibidwal at zero discrimination. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *