“Perfect mass transport system” sa bansa pakikinabangan ng mga susunod na henerasyon – Duterte
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pagbubukas ng PNR Lucena-San Pablo Commuter Line.
Kasama ang mga opisyal ng Department of Transportation at Philippine National Railways (PNR), sumakay ang pangulo sa tren ng PNR.
Sa kaniyang talumpati sinabi ng pangulo n a sa nalalabing ilang araw ng kaniyang administrasyon masaya siyang makita ang mga pinagpaguran sa nakalipas na anim na taon.
Ayon sa pangulo, tiyak niyang ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang BUILD BUILD BUILD program ng pamahalaan.
Sinabi rin ng pangulo na ang mga susunod na henerasyon ay makararanas na ng “perfect mass transport system”.
Ayon kay Pangulong Duterte dahil sa muling pagbubukas ng nasabing linya, ang biyahe sa pagitan ng San Pablo, Laguna at Lucena, Quezon ay mas mapapabilis. (DDC)