Presyo ng diesel at kerosene tataas pa rin sa susunod na linggo – DOE

Presyo ng diesel at kerosene tataas pa rin sa susunod na linggo – DOE

May pagtaas pa rin sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy (DOE), maaring tumaas ang presyo ng diesel at kerosene dahil sa paghina ng halaga ng piso kontra dolyar.

Araw ng Huwebes (June 24) nagsara ang piso kontra dolyar sa P54.7.

Pero ayon sa DOE, posible namang magkaroon ng bahagyang pagbaba sa presyo ng gasolina.

Sinabi ng DOE na ang international price ng produktong petrolyo ay nakikitaan na ng pagbaba.

Bumaba kasi ang demand ng produktong petrolyo sa China at sa US. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *