San Pablo-Lucena line ng PNR muling magbubukas
Bubuksan muli ang Philippine National Railways (PNR) San Pablo-Lucena Inter-provincial Commuter Service.
Bukas araw ng Sabado (June 25) ay pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng PNR San Pablo-Lucena commuter line.
Noong October 2013 ay inihinto ang operasyon ng nasabing linya.
Ang pagbubukas muli ng PNR San Pablo-Lucena line ay bahagi ng expansion program ng rail line simula taong 2022 kung saan layong palawigin ang train service sa Region 4.
Ang San Pablo-Lucena line ay may habang 44-kilometers at maseserbisyuhan ang apat na munisipalidad at isang lungsod sa Laguna at Quezon. (DDC)