Positivity rate ng COVID-19 sa NCR tumaas sa 5.6 percent
Tumaas ang positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Ayon OCTA Research mula sa 3.9 percent lamang noong June 18 ay tumaas na ito sa 5.6 percent noong June 22.
Tumaas din ang positivity rate sa ilang mga lalawigan na kalapit ng Metro Manila.
Kabilang dito ang Batangas na mula sa 1.2 percent noong June 18 ay umakyat sa 8.3 percent.
Sa Cavite na mula sa 3.6 percent noong June 18 ay umakyat sa 5.7 percent.
Sa Laguna na mula sa 3.2 percent noong June 18 ay umakyat sa 7.1 percent.
At sa Rizal na mula sa 6.3 percent noong June 18 ay umakyat sa 8.2 percent.
Tumaas din ang positivity rate sa Benguet at Iloilo. (DDC)