Naitalang kaso ng dengue sa Western Visayas tumaas ng 241 percent

Naitalang kaso ng dengue sa Western Visayas tumaas ng 241 percent

Nakapagtala ng 241 percent na pagtaas sa kaso ng dengue sa Western Visayas.

Sa datos ng Western Visayas Center for Health Development, nakapagtala ng dagdag na 426 na bagong kaso ng dengue sa rehiyon.

Dahil dito, umabot na sa 3,029 ang total cases ng dengue sa Western Visayas mula Jan. 1 hanggang June 11, 2022.

Mas mataas ito ng 241 percent kumpara sa 889 cases na naitala sa kaparehong petsa noong 2021.

Ayon sa DOH Western Visayas, 23 na ang kabuuang bilang ng naitalang nasawi sa dengue sa rehiyon dahil sa nasabing sakit.

Sa Antique nakapagtala ng pinakamataas na dagdag na bilang ng kaso ng dengue na umabot sa 149, kasunod ang Negros Occidental na may 143 cases. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *