Bello magsisilbing chairman ng MECO sa Marcos admin
Maninilbihan sa susunod na administrasyon si Outgoing Labor Sec. Silvestre Bello III.
Napili ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos si Bello para maging Chairman at Resident Representative-designate ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).
Sa pahayag mula sa tanggapan ni Marcos, si Bello ay nanilbihan bilang DOLE secretary sa ilalim ng Duterte administration simula 2016.
Ilang dekada na rin itong public servant at nagsilbi pa bilang acting Justice secretary at Solicitor General noong 1998 sa ilalim ni dating Pangulong Fidel Ramos.
Naging Cabinet secretary naman si Bello ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
At naging party-list representative mula 2013 hanggang 2016. (DDC)