Dating presidente ng PAL magsisilbng DOTr secretary sa ilalim ng Marcos admin; Cesar Chavez itinalaga bilang DOTr Usec.

Dating presidente ng PAL magsisilbng DOTr secretary sa ilalim ng Marcos admin; Cesar Chavez itinalaga bilang DOTr Usec.

Si dating Philippine Airlines president at chief operating officer Jaime Bautista ang magiging susunod na Department of Transportation (DOTr) secretary.

Kinumpirma ito ni incoming Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez.

Papalitan ni Bautista si DOTr Sec. Arthur Tugade.

Si Bautista ay nagretiro sa PAL noong taong 2019 matapos manilbihan sa kumpanya ng 25-taon kabilang ang pagiging presidente sa loob ng 13-taon.

Samantala, hinirang din ni Marcos si dating Light Rail Transit Authority (LRTA) Deputy Administrator Cesar Chavez bilang Undersecretary-designate for Rails ng DOTr.

Ayon sa kampo ni Marcos, si Chavez ay may malaking ginampanan para makuha ang approval ng NEDA sa Metro Manila Subway, PNR Manila to Calamba, PNR Manila to Bicol, at Tagum-Davao-Digos Mindanao rail projects. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *