June 24 idineklara ng Malakanyang bilang special-non working day sa Maynila

June 24 idineklara ng Malakanyang bilang special-non working day sa Maynila

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na special non-working day sa lungsod ng Maynila ang araw ng Biyernes, June 24.

Ito ay bilang paggunita sa ika-451 Founding Anniversary ng lungsod.

Sa bisa ng Proclamation No. 1400 ng Malakanyang, nakasaad na layon ng deklarasyon na mabigyang pagkakataon ang mga mamamayan ng Maynila na makapagdiwang.

Samantala sa abiso ng Manila Public Information Office (PIO), bilang bahagi ng pagdiriwang sa Araw ng Maynila ay pangungunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang awarding ceremony sa mga napiling Outstanding Manilans.

Idaraos ito sa Metropolitan Theater ngayong Huwebes (June 23) ng hapon.

Bukas, June 24 ay magdaraos naman ng “Nilad FLoat Festival” kung saan magkakaroon ng parada. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *