Barko sumadsad sa karagatan ng Dumaguete City; 18 crew ligtas
Rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Dumaguete sa maritime incident na kinasangkutan ng MV Fast Cat M6 makaraan itong sumadsad sa karagatang sakop ng Pantawan, Rizal Boulevard, Dumaguete City.
Sa imbestigasyon ng PCG, hinampas ng malakas na alon dulot ng malakas na hangin ang nasabing barko.
Nagtulong ang PCG Station Dumaguete at Marine Environmental Protection Unit (MEPU)-Negros Oriental sa pakikipag-ugnayan sa MTug Ankiesha para sa towing operations.
Kinumpirma ng PCG na ligtas ang 18 crew members ng barko.
Wala ding naitalang oil spill matapos ang insidente. (DDC)