Floating assets at security groups ng PCG handa na para sa inagurasyon ni BBM

Floating assets at security groups ng PCG handa na para sa inagurasyon ni BBM

Puspusan na ang paghahanda ng Philippine Coast Guard (PCG) sa nalalapit na inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Inihanda na ng PCG ang ilan sa mga floating assets at security groups na ide-deploy sa June 20, 2022 para tumulong sa pagtitiyak ng kaligtasan, seguridad, at kapayapaan sa panunumpa ni Marcos.

Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu, asahan ng publiko ang mahigpit na pagpapatrolya ng tatlong multi-role response vessels (MRRVs) at humigit-kumulang 10 pang PCG floating assets sa katubigan ng Manila Bay at Pasig River.

Magbabantay din ang PCG land vehicles sa daloy ng trapiko sa mga kalsadang malapit sa National Museum kung saan magaganap ang inagurasyon.

Sa ngayon ayon kay Abu walang serious threats sa gagawing inagurasyon pero hindi magpapaka-kampante ang mga otoridad.

300 personnel aniya ang ide-deploy, kabilang ang K9 teams at medical groups.

Inatasan din ni Abu ang PCG District NCR – Central Luzon na maghanda at makipag-ugnayan sa AFP at PNP para masiguro ang maximum security support. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *