RITM may kakayahan nang maka-detect ng kaso ng monkeypox
Mayroon nang real time polymerase chain reaction (PCR) assay ang Department of Health (DOH) na maaring maka-detect ng posibleng kaso ng monkeypox virus sa bansa.
Ayon sa DOH, ang PCR assay ay nasa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at bahagi ito ng paghahanda ng pamahalaan sa posibleng pagkakaroon ng kaso ng nasabing sakit.
Ayon sa DOH, ang suspect o probable case ng monkeypox ay kukuhanan ng samples para masuri ng RITM.
Ang isang indibidwal ay ituturing na “suspected case” kung siya ay nakitaan ng acute rash o isa o higit pa sa sumusunod na sintomas:
– Headache
– Acute onset of fever (>38.5°C)
– Myalgia
– Back pain
– Asthenia
– Lymphadenopathy