DOH nakapagtala ng 32 bagong kaso ng Omicron subvariant BA.5
Nakapagtala ng 32 pang bagong kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariant BA.5 ng COVID-19.
Sa datos ng Department of Health (DOH) umabot nasa 43 ang kabuuang naitatalang kaso ng BA.5 subvariant.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 21 sa naitalang kaso ay mula sa Western Visayas, 4 ang sa Calabarzon, 4 ang sa National Capital Region, at 3 sa Central Luzon.
Sa mga kasong naitala sa Western Visayas, sinabi ni Vergeire na 9 ay mula sa iisang workplace habang may 3 na mula sa iisang household.
Sa 32 bagong kaso, 30 sa kanila ay pawang fully vaccinated,1 ang partially vaccinated, habang inaalam pa ang vaccination status ng isa pa.
22 sa mga tinamaan ng BA.5 subvariant ay nakaranas ng mild na sintomas, 5 ang asymptomatic, habang bineberipika pa ang 5.
16 naman sa kanila ang naka-recover na, 14 ang naka-isolate pa, at ang kalagayan ng 2 pa ay inaalam pa.
Wala namang naitalang bagong kaso ng BA.2.12.1 Omicron subvariant. (DDC)