Makalipas ang tatlong taon, San Juan City muling makapagdiriwang ng Wattah Wattah Festival
Makapagdiriwang na ng Wattah Wattah Festival ang lungsod ng San Juan ngayong taon.
Ito ay pagkatapos ng tatlong taon na hindi naisagawa ang tradisyunal na basaan sa lungsod dahil sa pandemya ng COVID-19.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, sa kapistahan ng lungsod sa June 24, magkakaroon tayo ng basaan at street dancing competition.
Sa June 22 naman at June 23 ay magdaraos ng Novena Mass, prusisyon, Fiesta Mass, at concert.
Paalala ni Zamora sa mga residente, patuloy na sumunod sa mga health and safety protocols sa ilalim ng Alert Level 1 gaya ng pagsusuot ng face mask. (DDC)