Pag-iral ng yellow alert sa Luzon Grid nayong araw mas humaba pa

Pag-iral ng yellow alert sa Luzon Grid nayong araw mas humaba pa

Mas pinahaba pa ang pag-iral ng Yellow Alert Luzon Grid ngayong araw ng Miyerkules, June 22 dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

Ayon Sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) unang umiral ang Yellow Alert mula 10:00 hanggang 11:00 ng umaga.

Muli itong ipinatupad ng 12:00 ng tanghali at tatagal hanggang 4:00 ng hapon.

Ayon sa NGCP, mayroong 12,008 megawatts na available capacity, habang ang operating requirement ay aabot sa 11,274 megawatts.

Dahil dito 369 megawatts lamang ang reserba ng kuryente.

Sinabi ng NGCP na mayroong anim na mga planta ang nagpatupad ng forced outage kaya numipis ang reserba sa kuryente. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *