Solar charging station para sa e-bikes at e-scooters libreng magagamit sa Pasig City

Solar charging station para sa e-bikes at e-scooters libreng magagamit sa Pasig City

Inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority ang libreng solar charging station para sa electronic bikes at electronic scooters sa Pasig City.

Layunin nitong hikayatin ang publiko na gumamit ng alternative modes of transportation na makatutulong din sa pagsusulong ng green and renewable energy.

Ang solar charging station ay nasa bagong MMDA head office building sa Barangay Ugong, Pasig City na magagamit na ng libre ng publiko simula sa lunes, June 27 mula 6am hanggang 7pm.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, makatutulong ang proyekto para maibsan ang hirap na nararanasan ng publiko sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

“Putting up free charging stations for electronic vehicles such as e-bikes and e-scooters would encourage the public to use alternative mode of transportation and at the same time help them save expenses from high fuel costs,” ayon kay Artes.

Tatlong solar panels na may built-in inverter ang magsisilbing main power source ng charging station na mayroong anim na 220V charging outlets.

Ang mga nais na gumamit ng charging station ay dapat may dala-dalang sariling charging cords at cables.

Ang charging station ay ginamitan ng teknolohiya na kung sakaling hindi na sapat ang solar power ay magta-tap ang station sa main power grid ng MMDA building.

Ayon kay Artes, target din ng MMDA na magtayo ng parehong solar charging station sa kanilang main headquarters sa Orense, Makati para mapakinabangan naman ng mga dumadaan sa EDSA. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *