Insidente ng pamamaril sa isang Pinoy sa Philadelphia maaring kaso ng “mistaken identity”

Insidente ng pamamaril sa isang Pinoy sa Philadelphia maaring kaso ng “mistaken identity”

Maaring kaso ng “mistaken identity” ang nangyaring pamamaril sa Philadelphia na ikinasawi ng isang abogadong Pinoy.

Ayon kay Consul General Elmer Cato ng Philippine Consulate General sa New York, batay ito sa police sources.

Ani Cato, ayon sa ilang police sources, nagkamali ang gunman ng pinaputukang sasakyan at ang napaputukan ay ang sinasakyan ni John Albert Laylo at ng kaniyang ina.

Pumanaw sa nasabing insidente si Laylo dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa ulo, habang nasugatan naman ang kaniyang ina.

Samantala, ayon kay Cato, nagsagawa ng memorial vigil ang mga Pinoy sa Philadelphia para kay Laylo.

Isinagawa ang aktibidad sa labas ng Penn Presbyterian Medical Center kung saan pumanaw ang biktima.

Tiniyak din ni Cato na inaasikaso na ang lahat para mabilis na maiuwi ang mga labi ni Laylo.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *