Sasakyang bumibiyahe sa EDSA nabasawan dahil sa mataas na presyo ng produktong petrolyo; expanded number coding hindi na ipatutupad ng MMDA
Hindi na muna isusulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng expanded number coding.
Ayon kay MMDA chairman Romando Artes, nabawasan kasi ang bilang ng mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan dahil sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Sa datos ayon kay Artes noong May 5, umabot na sa lagpas sa pre-pandemic levels ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA makaraang makapagtala ng 417,000 na sasakyan.
Pero nitong nagdaang linggo, bumaba ito sa 390,000 na lamang.
Ayon kay Artes, ipauubaya na niya sa susunod na adminstrasyon ang pagpapasya kung palalawigin pa ang pag-iral ng number coding.
Sa kasalukuyan, 5PM to 8PM lamang ang pag-iral ng number coding sa Metro Manila mula Lunes hanggang Biyernes. (DDC)