DILG inatasan ang mga barangay na maging aktibo sa pagre-rehistro ng mga ‘kasambahay’ sa kanilang nasasakupan

DILG inatasan ang mga barangay na maging aktibo sa pagre-rehistro ng mga ‘kasambahay’ sa kanilang nasasakupan

Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ayusin ang registration system para sa mga kasambahay.

Ayon sa DILG, mababa kasi ang turnout ng mga rehistradong kasambahay.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo M. Año, mayroon lamang 3,359 na mga barangay na mayroong rehistradong kasambahay gayong mahigit 42,000 ang bilang ng mga barangay sa buong bansa.

Indikasyon ito ayon sa DILG na marami ang hindi sumusunod sa itinatakda ng Republic Act (RA) 10361 o “Domestic Workers Act” o kilala rin sa tawag na “Batas Kasambahay”.

Inatasan ni Año ang mga kapitan ng barangay na maging proactive sa registration system para matiyak ang proteksyon sa mga kasambahay.

Sa datos ng DILG, ang Region V ang may pinakamataas na bilang ng mga barangay na nakapagsagawa ng kasambahay registration kasunod ang Region VI at VIII.

Sa ilalim ng IRR ng RA 10361, ang mga Punong Barangay ay responsable sa pagpaparehistro ng mga kasambahay sa kanilang nasasakupan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *