Dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon naghain ng reklamong libel at unjust vexation laban kay Ronald Cardema

Dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon naghain ng reklamong libel at unjust vexation laban kay Ronald Cardema

Sinampahan ng reklamong libel at unjust vexation ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon si Dating National Youth Commission Chairman Ronald Cardema.

Ang reklamo ay inihain ni Guanzon sa piskalya sa Quezon City.

Maliban sa pagiging dating NYC chairman, si Cardema ay na-diskalipika bilang kinatawan ng Duterte Youth Partylist noong 2019.

Personal na inihain ni Guanzon ang reklamo kasama ang kaniyang abogado.

Ang reklamo ay matapos tutulan ni Cardema ang pag-substitute ni Guanzon bilang nominee sa P3PWD Partylist.

Maliban sa reklamong isinampa sa piskalya, sinabi ni Guanzon na maghahain din siya ng rekalmong paglabag sa Code of Ethics laban kay Cardema sa Office of the Ombudsman. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *