Booster shots sa mga edad 12 hanggang 17 gamit ang Pfizer, aprubado na
Aprubado na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng booster shots sa mga batang edad 12 hanggang 17 gamit ang COVID-19 vaccine ng Pfizer.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, inaprubahan na niya ang rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC).
Sa ngayon ay hinihintay na lamang aniya ang guidelines para sa pagbibigay ng booster sa nasabing age group.
Ayon kay Vaccine Expert Panel (VEP) chief Dr. Nina Gloriani tanging Pfizer lamang sa ngayon ang inaprubahan para sa booster dose ng edad 12 hanggang 17.
Ito ay dahil tanging ang naturang pharmaceutical firm ang nagsumite ng datos at na-apply para sa emergency use authorization sa Philippine Food and Drug Administration (FDA). (DDC)