Department of Agriculture pamumunuan ni Marcos
Pamumunuan ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Agriculture.
Mismong si Marcos ang nag-anunsyo nito sa press briefing sa Mandaluyong City.
Ayon kay Marcos, matindi ang problema sa agrikultura kaya nagdesisyon siyang pamunuan ito.
Sinabi naman ni Marcos na magiging pansamantala lamang ang kaniyang pamumuno sa ahensya hanggang sa makapagpatupad ng re-organization at masigurong handa na ang DA sa susunod pang mga taon.
Dalawang aspeto ang tutukan ni Marcos sa DA – una ay ang pagpapataas sa rice production at ikalawa ang re-organization sa ahensya.
Kabilang sa tutukan ni Marcos ang National Food Authority, Food Terminal Incorporated at ang Kadiwa Program ng DA. (DDC)