Presyo ng produktong petrolyo posibleng umabot sa P100 kada litro ayon sa DOE

Presyo ng produktong petrolyo posibleng umabot sa P100 kada litro ayon sa DOE

Posibleng umabot sa P100 ang presyo ng kada litro ng produktong petrolyo ayon sa Department of Energy (DOE).

Sa Laging Handa Briefing, sinabi ni Energy Undersecretary Gerardo Erquiza Jr. na hindi naman magkakaroon ng biglaang pag-angat sa presyo.

Gayunman, dahil aniya sa unti-unti at lingguhang price increase ay maaring umabot sa P100 ang presyo ng kada litro.

Sa datos mula sa DOE, hanggang noong June 14, ay umabot na sa P28.70 ang nadgdag sa presyo ng kada litro ng gasolina, P41.15 sa presyo ng kada litro ng diesel at P4.85 sa kada litro ng kerosene.

Sa ngayon ay naglalaro na sa P91.90/liter hanggang P94.90 ang presyo ng diesel. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *