Balut Island sa Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.9 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang Sarangani, Davao OCcidental.
Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng pagyanig ay naitala sa layong 395 kilometers southeast ng Balut Island, Sarangani, 1:39 ng hpapon ng Lunes (June 20).
May lalim na 224 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Ayon sa Phivolcs hindi naman ito inaasahang magdudulot ng aftershocks. (DDC)