All systems go na para sa inagurasyon ni BBM ayon sa NCRPO
Inanunsyo naman ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na all systems go na para sa inagurasyon ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa June 30.
Sa statement, sinabi ni NCRPO chief Maj. Gen. Felipe Natividad na nailatag na nila ang final security preparation upang matiyak ang tagumpay at zero casualty at anumang untoward incident.
Aniya, wala rin silang na-monitor na anumang banta bago ang inagurasyon subalit patuloy ang kanilang pagbabantay at pakikipag-ugnayan sa kanilang counterparts.
Inihayag ni Natividad na ilang road closures ang ipatutupad habang idineklara ang no-fly zone para sa drones at aircrafts sa 1-kilometer radius ng National Museum, at ilang ports at waterways malapit sa establisyimento ang isinailalim sa inspeksyon.
Aniya, ipatutupad din ang gun ban simula 6:00 ng umaga ng June 27 hanggang 6:00 ng umaga ng July 1, at tanging mga pulis, militar at iba pang law enforcers na naka-duty lamang ang pinapayagang magdala ng baril.
Nasa 6,000 ang mga pulis na ipakakalat sa inagurasyon ng incoming president. (DDC)