Eastern Taiwan niyanig ng magnitude 6.0 na lindol
Tumama ang magnitude 6.0 na lindol sa eastern Taiwan.
Ayon sa US Geological Survey, ang pagyanig ay naitala sa 38 kilometers south ng HUalien City.
Wala namang naiulat na nasawi o naging pinsala ng malakas na pagyanig.
Naramdaman din ang pagyanig sa Taipei.
Dahil sa lindol, saglit na nahinto ang biyahe ng Taipei Metro. (DDC)