Philippine Arena target gamitin bilang remote viewing area para sa inagurasyon ni BBM

Philippine Arena target gamitin bilang remote viewing area para sa inagurasyon ni BBM

Ikinukonsidera ng Philippine National Police ang Philippine Arena sa Bulacan, bilang isa sa ideal areas para mag-set-up ng malaking LED television upang mas maraming supporters ang makapanood ng inagurasyon ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa June 30.

Ayon kay PNP Director for Operations, Major Gen. Valeriano de Leon, kung gagamitin ang Philippine Arena bilang remote viewing area, maari itong makapag-accommodate ng 70,000 viewers sa loob at 100,000 sa labas, partikular sa harapan ng arena.

Sinabi ni De Leon na nakikipag-ugnayan na sila sa kampo ni Marcos hinggil sa kanilang proposal na gamitin ang Philippine Arena bilang isa sa viewing areas, kasama ang iba pang strategic places na makakapag-accommodate ng malalaking bilang ng mga manonood.

Maiban sa Philippine Arena, sinabi ni De Leon, na isa pang lugar na maari silang makapag-set-up ng viewing area para sa live streaming ng inagurasyon ay ang Philippine Sports Center sa Pasig City, na maaring mag-accommodate ng 40,000 katao.
Irerekomenda rin aniya nila na gamitin ang North Luzon Express Terminal sa Bulcan at Mall of Asia sa Pasay City.

Ipinaliwanag ni De Leon na kung papayagan na mai-set-up ang mga naturang viewing areas ay mababawasan ang bilang ng mga tao na dadagsa sa National Museum sa Maynila na limitado lamang ang maaring manonood.

Sa initial assessment ay nasa 1,200 na katao lamang ang papayagan sa National Museum. (Infinite Radio Calbayog)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *