Baha sa bahagi ng EDSA nagdulot ng matinding traffic

Baha sa bahagi ng EDSA nagdulot ng matinding traffic

Naperwisyo ang mga motorista makaraang magdulot ng matinding traffic ang naranasang pagbaha sa bahagi ng EDSA Linggo (June 19) ng hapon.

Nakaranas ng malakas na buhos ng ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila at mabilis itong nagdulot ng pagbaha sa EDSA-Santolan flyover hanggang sa Main Avenue sa Quezon City.

Ayon sa MMDA, ang pagbaha ay bunsod ng mga basurang bumabara sa mga drainage sa EDSA.

Sinabi ng MMDA na bagaman regular at araw-araw ang ginagawang cleaning at declogging operations ng ahensya, hindi nauubos ang mga basura na bumabara sa mga kanal dahil sa paulit-ulit na pagtatapon kung saan-saan.

Karamihan sa mga nakukuhang basura ay mga plastic bags, styrofoam, plastic cups, plastic bottles, at mga pinaglagyan ng pagkain na bumabara sa mga daluyang tubig.

Dahil dito, umapela ang MMDA na maging responsable at disiplinado sa pagtatapon ng basura. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *