Vice president-elect Sara Duterte-Carpio nanumpa na bilang ika-15 bise presidente ng bansa
Pormal nang nanumpa si vice-president elect Sara Duterte-Carpio.
Ang inagurasyon ay idinaos sa San Pedro Square sa Davao City, Linggo (June 19) ng hapon.
Nanumpa si Duterte kay Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando.
Suot nito ang emerald green chiffon gown na likha ng designer na si Silverio Anglacer.
Bago ang inagurasyon ay dumalo muna sa misa sa San Pedro Cathedral si Duterte-Carpio.
Pinangunahan ni Archbishop Romulo Valles ng Archdiocese of Davao ang idinaos na misa.
Si Duterte-Carpio ang magiging ika-labinglimang bise presidente ng bansa.
Nakatakda din siyang magsilbi bilang kalihim ng Department of Education (DepEd). (DDC)