Kadete ng PNPA pumanaw matapos sumailalim sa reception rites

Kadete ng PNPA pumanaw matapos sumailalim sa reception rites

Isang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite ang nasawi matapos sumailalim sa endurance test sa nakalipas na dalawang linggo.

Sa ulat ng Calabarzon Police, pumanaw ang PNPA plebe na si Rafael Sakkam habang ginagamot sa Qualimed Hospital sa Sta. Rosa City, Laguna.

Ayon sa pulisya, nag-collapse si Sakkam noong June 3 nang makaranas ng hirap sa paghinga.

Pansamantala itong dinala sa PNPA dispensary at kalaunan ay inilipat sa ospital.

Sa reception rites, sumasailalim sa serye ng ehersisyo ang mga kadete sa ilalim ng init ng araw. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *