Justice Sec. Menardo Guevarra magsisilbing SolGen sa ilalim ng Marcos admin
Hinirang ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Justice Secretary Menardo Guevarra bilang susunod na Solicitor-General.
Kinumpirma ito ni incoming Presidential Communications Operations Office (PCO) Secretary Trixie Angeles.
Ani Angeles, mananatili sa gobyerno si Guevarra.
Bago naging kalihim ng DOJ, si Guevarra ay nagsilbi bilang Deputy Executive Secretary ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagtapos si Guevarra ng magna cum laude Major in Political Science sa Ateneo de Manila University noong 1974.
Mayroon din siyang Masters in Economics sa University of the Philippines at nagtrabaho sa National Economic and Development Authority (NEDA) noong 1977 hanggang 1983.
Nakakuha si Guevarra ng Bachelor of Laws degree sa Ateneo at kung saan pumangalawa siya sa 1985 bar exams. (DDC)