Dalawang menor de edad patay, tatlo pa sugatan sa aksidente sa Mountain Province
Patay ang dalawang menor de edad habang sugatan ang tatlong iba pa makaraang mahulog sa bangin ang sinasakyan kanilang sasakyan Barangay Gonogon, Bontoc Mountain Province.
Kabilang sa nasawi ang isang 11 anyos na batang lalaki at 4 na taong gulang na batang lalaki.
Kinilala naman ang mga nasugatan na sina 1. Jeranie Querido Ballakis, 50-anyos at Fausto Langagan Ballakis, Sr., 51-anyos na kapwa dinala sa Luis Hora Memorial Regional Hospital (LHMRH).
Habang ang isa pang nasugatan na si Fernan Querido Ballakis, 18-anyos ay dinala sa Bontoc General Hospital.
Sa ulat ng Bontoc Emergency Operations Center, nakatanggap ng tawag ang Bontoc Municipal Police Station (MPS) na mayroong naaksidenteng Tamaraw FX na may lulang limang pasahero sa Barangay Gonogon.
Galing sa Bontoc ang sasakyan t pauwi na sana sa Sabangan. Nakaidlip umano ang driver ng sasakyan kaya nahulog sa bangin na may lalim na 25 hanggang 30 meters.
Iniutos na ni Bontoc Mayor Franklin Odsey ang pagbibigay ng karampatang tulong sa mga biktima. (DDC)