Dalawang linya ng EDSA Timog SB Flyover isinara sa mga motorista dahil sa nakitang patholes at cracks

Dalawang linya ng EDSA Timog SB Flyover isinara sa mga motorista dahil sa nakitang patholes at cracks

Sasailalim sa immediate repair ang southbound lane ng EDSA Timog-Flyover sa loob ng isang linggo.

Biglaan ang ginawang pagsasara sa nasabing kalsada Biyernes (June 17) ng umaga para makapagsagawa ng repair works ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ito ay makaraang makitaan ng malalaking patholes at cracks ang pahagi ng kalsada.

Sa pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nagpasya ang mga inspektor ng DPWH na isara ang dalawang linya ng kalsada..

Bahagi ng repair works ang pagpapalit ng deck slab ng flyover.

Mananatili namang bukas ang isang linya ng flyover pero para lamang ito sa public utility buses.

Pinayuhan ang gma motorista na gamitin ang service road o ang Scout Borromeo Street, Eugenio Lopez Drive, at iba pang Mabuhay lanes bilang alternatibong ruta. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *