Carla Abellana nagsalita na sa hiwalayan nila ni Tom Rodriguez
Nagsalita na si Carla Abellana sa isyu tungkol sa hiwalayan umano nila ng asawang si Tom Rodriguez matapos sagutin ang komento ng isang netizen.
Sinabi ni Carla na “ang taong lubos na nasaktan, hirap pong pigilang hindi ilabas ang galit sa anumang paraan. I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look stupid.”
“Kung sana hanggang du’n lang po makakabangon din po ako balang araw. Pero para gawan pa po ako at ang pamilya ko ng mas marami pang kasamaan at kataksilan sa mga sumunod na araw, linggo at buwan, sobra sa sobra na po ang sakit at pagdurog ng puso at pagkatao ko,” dagdag pa ng aktres.
Iginiit ni Carla na wala siyang ginawang masama laban sa kaniyang asawa.
Gayunman, ipinahiwatig ng Kapuso Actress na tila napipigilan siyang magsalita tungkol sa kaniyang nararamdaman sa kanilang relasyon.
Aniya, pitong taon na siyang bawal magalit, magtampo, masaktan, mabigo, malungkot, at madismaya dahil hindi puwede.
May nararamdaman din daw na takot si Carla kapag nagsalita siya.
Idinagdag pa ang aktres na hinikayat niyang magpatingin at magpagamot sa mga eksperto si Tom.
Sa huli, iginiit ni Carla na hindi siya masamang tao gaya ng mga sinasabi, naririnig at nakikita sa online, sa TV, at iba pa.
Aniya, pinalaki siya ng kanyang nanay at lola na marunong rumespeto, umunawa, magmahal, magpatawad, magpasalamat, magpakumbaba, at higit sa lahat may takot sa Diyos. (Infinite Radio Calbayog)