Naitalang kaso ng dengue sa Western Visayas tumaas ng 196 percent

Naitalang kaso ng dengue sa Western Visayas tumaas ng 196 percent

Nakapagtala ng 196 percent na pagtaas sa kaso ng dengue sa Western Visayas.

Sa datos ng Western Visayas Center for Health Development, nakapagtala ng dagdag na 354 na kaso ng dengue sa rehiyon.

Dahil dito, umabot na sa 2,520 ang total cases ng dengue sa Western Visayas mula Jan. 1 hanggang June 4, 2022.

Mas mataas ito ng 196 percent kumpara sa 850 cases na naitala sa kaparehong petsa noong 2021.

Nakapagtala din ng 3 dagdag na nasawi dahil sa sakit.

Ayon sa DOH Western Visayas, 23 na ang kabuuang bilang ng naitalang nasawi sa dengue sa rehiyon dahil sa nasabing sakit.

Sa Negros Occidental nakapagtala ng pinakamataas na dagdag na bilang ng kaso ng dengue na umabot sa 143, kasunod ang Antique na may 93 cases. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *